Happy Halloween!!!

Saturday, March 19, 2005

I'm here again

tinatamad ako magtranslate ng iniisip ko papuntang english so bahala na, wala namang nagbabasa, ako lang, kaya maiintindihan ko naman if ever whehehe! anyways, ilang araw na ako inuubo, as in para akong gago kauubo, habang kumakanta ng walang kakwenta-kwentang chinese grad song inuubo pa rin ako. Anu bang meron? Wala naman akong toncillitis, di naman masakit lalamunan ko. Makati lang talaga. Nakalunok ba ako ng langgam? Sana tumigil na 'to, para maumpisahan ko na ang mga bagong bili na ice cream sa baba! Sugar free lang nga.... pero ice cream pa rin yun! it's not that bad naman eh... wag lang ube. YAX! kadiri talaga lasa ng sugar free na ube. ang dry dry parang kinudkod na buko! hay naku. ilang araw rin ako di nakapost sa mga blog ko, kasi nagbabalak ako na umpisahan na ang paggawa ng mga grad gifts ng barkada ko and friends. pero ayan, ilang araw na rin akong nakatulog! sabi ko sa sarili ko, teka, di na ako muna magpopost, para save some thoughts for my diary and for the grad gifts, para sa mga dedi diba. pero ayan, nakatulog lang ako! walanghiyas! uumpisahan ko na dapat, nakahawak na ako ng bolpen, pero nangibabaw pa rin ang antok! hay naku buhay. ngayon nga inaantok nanaman ako. bakit ba... pero talaga uumpisahan ko na. hmm... bibili nanga dapat ako ng sum stuff sa sumwer eh, pero araw araw naman walang driver! at every dismissal sa prac namin eh tinatamad ako kasi antok! anu ba yan! lahat na ng antok sa mundo ibinuhos na yata sa akin! hay o cge, ako'y magnanap muna, dahil may hinihintay akong papanoorin ko mamayang 7:30, baka di nanaman ako magising. anu kamo ang napakaimportanteng papanoorin ko? hmm.. Top Cat in Beverly Hills! ay, tama ba yun title? Basta nasabak sa gulo si Benny the Ball eh! Tapos sa Beverly Hills yun! Swerteng mga pusa nu? Buti pa sila nakarating na sa BH!

No comments: