Happy Halloween!!!

Tuesday, June 21, 2005

Dawdling helps

Dawdling helps me get over SJ blues. Haha, oxymoron yata iyon! Wala lang. I was fine yesterday, but today, I'm feeling low again. Peste kasing guidance interview yan! Kala ko kung anong interview lang, bigla ba namang sinabi, "So, tell me about high school and your friends." Hayan, it took all my self-control not to break down right then and there. Sabi ko, masaya yun HS. Aba, hindi pa nakuntento! Tinanong pa talaga kung what made HS happy daw? Aba... Di ko na napigilan yun rush ng memories sa utak ko. Iniiwasan ko nanga isipin eh, yun mga pinagdaanan natin, kasi talaga masakit yun sense of loss na nafeefeel ko. Ang drama ba? Hahah! Pero totoo. Pinigil ko nalang, sasagutin ko sana eh, "Lahat ng nagpasaya sa HS eh hindi ko natagpuan dito. Siguro yung iilan lang." Hehe garapal ba? Eh kasi naman totoo... Siguro nga, in time, I will feel at home na rin. Pero right now, I'm still struggling. Akala ko nung one time sa 4th year, I've hit my lowest point in life na. Pero hindi pala. Feeling ko ngayon yung lowest point ng life ko. Wala lang, I'm so depressed. I miss everyone and everything. The warmth, the closeness, the familiarity. Namimiss ko na yung nakasanayan. Ngayon ko lang naintindihan nang lubusan kung anong feeling ng mag move on. Ewan ko, nagmomove on na ba ako? Oo naman, in my own way. I go to my new school everyday naman eh. I make new friends. Pero sabi nga ni Loren sa Yahoo Group Email, iba pa rin yung SJ friends. Sila lang yung lubusang makakaintindi sa akin. Bukas, papasok nanaman ako. Kahit na may kasama me bukas, pag-uwi ko, nandito pa rin yung feeling ng emptiness. Hay. I hope we'll all be fine na. Ayoko na ma-depress! Ang hirap!

No comments: