Sinong Matanda???
Pasensiya na sa mga hindi makakaintindi neto... trip ko lang gamitin ang wikang Filipino... Sabagay, hindi rin naman maiintindihan ng mga Ingles lang ang salita itong paumanhin ko, abong saysay diba? Haha! Pampahaba lang ng sulatin.
Wala lang, opisyal na, ako ay disinuwebe na (tama ba ang aking pagbaybay?). Hay. Hindi ko pa nararamdaman. Pero nadadama ko na na tumatanda na ako. Nakakainis! Ewan ko ba, mas masaya maging disiotso kasi tipong oo nasa ligal na edad ka nanga ngunit kakatapak mo palang sa palapag na iyon kaya may lusot ka pa sa mga bagay-bagay. Pero ngayon, napagdaanan ko na ang isang taon ng pagkamatanda, kaya parang mapipilitan na akong magpakatino. Pero meron pa akong palusot. Nasa "teen" pa naman ako, at huling taon ko na ito para maging loko-loko. Hmm. Ano kayang pwedeng gawin?
Hay, ang pinakamasaya ko talagang edad ay noong didisiyete ako. Wala lang, masaya lang talaga.
O sige, ako'y inaantok na, naluluha na ako sa antok. Pero kailangan ko pang tapusin itong lecheng kuwento na ginagawa ko na hindi ko matapos-tapos! Nasa ikalabimpitong kabanata na ako, sana naman matapos ko na kahit iyong kabanata na lang iyon. Papatayin ako ni Kutitay, matagal ko na sakanyang pinagmamalaki iyon eh, tapos di pa niya mababasa. Whek.
No comments:
Post a Comment