Buhay Pa Naman Ako...
Wala na, nagdeteriorate na ang brain functions ko. Kakatapos ko lang basahin ang pages 111-202 ng Sci10 book ko. Naka-tatlong highlighters na rin ako. Crisis na ako ngayon sa highlighter. Kekelanganin ko na ulit bisitahin ang National Bookstore sa SM Sta. Mesa ngayong linggo para sa pag-aaral ko sa SA. Isa sa mga ka-OC-han ko siguro yun. Mamamatay akong walang highlighter. Well, depende. Sa mga may mahahabang readings lang. Basta ayokong nag-hihighlight sa notebook. Weird lang. Medyo nassmudge rin ang tinta ng bolpen. Tapos tagos pa sa likod. Ewan. Pero depende siguro kung rainbow colors ang highlighters ko, mas okay. Gusto kong makulay ang notebook ko. May differentiation kung baga ng hierarchy ng kelangan tandaan.
Actually, parang kelangan ko muna ng dump ng memory ng history ngayon. Well, siguro nagawa ko na 'yon kaninang long test. Lahat ng naisulat ko sa papel, kung baga parang recycle bin ang blue book ko. Pero kelangan ko pa i-restore ang mga 'yon para sa finals (na hinohope kong di ko na kelangan kunin, pero base sa test ko kanina, malamang kelangan). ANg nakakafrustrate lang eh tatlong araw kong inaral ang history. Isang araw para sa pagrewrite ng notes, isang araw para sa partial na pagbasa ng readings (dahil nagbasa rin ako para sa research paper) at isang araw (as in kahapon) na todo seryoso sa pagbabasa at paghahighlight. Kulang nalang kainin ko ang mga notes ko para madigest ko ang mga 18th at 19th century theories. Basta lahat kasali ang Capitalism. Pero kaninang test, ayun, anu nga bang sinabi ni Voltaire? Sino ba si Daniel Hume (Daniel nga ba ang first name niya?) Alam kong nabasa ko ang mga pangalan nila, pero di ko talaga maalala kung ano bang ginawa nila. Leche. Sabi sayo hindi talaga umuubra ng advance study sa akin. Tingnan mo, lahat ng cinram ko, iyon ang mga naalala ko. Pero ang takot ko lang kasi hindi ko matapos basahin lahat. Kaya ngayon, hindi na ako mag-aadvance study. Mag-aadvance-advance study na ako. Para sa unang advance, iyon ang highlight period at pag-aayos ng notes. Sa susunod na advance, iyon na ang muling pagbabasa ng mga nahighlight na. Highlight-happy ako eh (parang trigger-happy, with a highlighter lang nga, kaya lagi akong na-kicrisis sa highlighter. Siguro dahil na rin sa pagbili ko ng mumurahing highlighter na dalawang gamitan lang ubos na. Stabilo Boss na sa susunod ang bibilhin ko.)
So heto, limang minuto nalang tapos na ang brain-dead break ko, balik nanaman ako sa nakakadepress na Sci10. Una, nakakadepress dahil hindi ko alam anong standing ko kasi parang kagaguhan lang ang kinalabasan ng unang longtest ko (dahil burn out na ako noon. Umupo ako kasama ni Dim sa may grass sa tapat ng Escaler habang nagchachant ng "Ayoko na...Ayoko na...Ayoko na..."). Eto natapos ko talaga basahin lahat at matatapos ko ang magulo kong notes by mga 2Am mamaya. Gisising ako ng maaga para basahin ulit ang mga na-highlight ko para di ko na makalimutan. Basta ang naaalala ko ngayon andun rin si John Locke. Pambihira 'yang taong iyan. Nasa SA na, nasa history pa, ngayon nasa Sci10 rin! Di na nakuntento na isa siya sa bida sa LOST eh noh.
Sige, lalamon na ako ng Dunkin' Donuts. Walang funds eh, can't afford ang Go Nuts. Pero masarap rin naman ang Dunkin'. Iyan ang orig dito eh.
Ay oo nga pala, nagpapasalamat ako kay GOD na biniyayaan niya ako ng magagandang serve kaninang volelyball. As in mga apat na straight serves iyon na matino. Ang weird. Hindi ko alam paano ko namaster ang art of tossing the ball for the serve. Dahil ba sa kaba o relaxation o kabangagan due to facts overload ng history? Ewan. Sana sa mismong finals ganon rin agn serve ko. Iyon nalang ang matinong nagagawa ko eh dahil pag nasa court ako wala na akong silbi. Pwedeng clown o tagapulot ng bola.
No comments:
Post a Comment