Happy Halloween!!!

Friday, September 16, 2005

Napasabog ko nanaman TV ko!!!!!!

Ang tanga-tanga ko talaga!

Hay nako, nakakapeste talaga! Lahat nalang sira! DVD player ko sira! Parang tanga, ayaw bumukas! Ang laki ng problema nun eh! Tapos kanina naman, pag-uwi ko, siyempre manunuod ako ng tv diba, kelan ba ako hindi nanuod ng tv? So binuksan ko yung transformer, tapos pinindot ko yun power button ng tv.

Wala.

Pagtingin ko, hindi na nakasaksak! Naku po! Eh takot ako sa mga saksakang ganyan! Talaga oo. Kapag bumabagyo talaga, sumasabog tv ko. Dati kasi, like, 5 years ago, nung grade 6 pa ako, panahon ng tagbagyo nun eh. Eh nanunuod ako ng tv. Tapos nag-brown out yata nun. Eh may i-rerecord pa naman ako na tv show. Concert ng BSB yun eh. Oo, corny. Reminder, grade 6 nga ako nun eh. So anyway, ayun, pinag-aalis yata yun mga saksakan o ako yun nag-alis. Di ko na maalala. Grade 6 pa yun eh. Basta nung sinaksak ko na ulit, nasaksak ko sa 220V, eh 110V lang pala yung tv. Ayun.

KABOOM!

Eh kaninang madaling araw, nag-brown out din. Kaso di naman ni Nanay tinanggal sa saksakan yung tv eh kasi nanuod pa siya ng tv nung mga alas sais, tinitingnan kung may pasok ba o wala, Ang lakas kasi ng bagyo kaninang madaling araw eh. Parang hinuhulugan ng malalaking bato yung bubungan namin kaninang madaling araw sa sobrang lakas ng ulan.

Pag-uwi ko, manunuod ako ng tv. Kelan ba ako hindi nanuod ng tv? Kaya binuksan ko yung transformer at pinindot yung power button.

Wala.

Nakita ko na hindi na nakasaksak. Patay. Hindi ko maalala kung ano ba yan, 220V o 110V. Grade 6 panga noong huli kong nalaman eh. So sinubukan ko sa 220V. Binuksan ko yung transformer.

BZZZT!

Nagulat ako, Pinatay ko agad yung transformer. Inamoy amoy ko, baka may amoy sunog na saksakan. Wala naman. Umakyat si Nanay. Sinabi ko sakanya ang tungkol doo. Pinatawag niya si Orig para tingnan. Sinaksak-saksak ni Orig at sinubuksubukang ma-on ang pinakamamahal at ang kaisa-isang ikinabubuhay ko na tv. Wala.

Ayaw na bumukas.

Wala na akong buhay.

Kaya etong computer nalang ang pinagtitripan ko kasi wala na akong ibang buhay. Siguro nangyari yun para maitalaga ang pangako kong tatapusin ko na ang pagbasa sa dalawang nobela para sa Filipino.

Oo na. Mamaya na paggising ko.

No comments: