Bayad na ang Utang ng Pilipinas!
Sorry, pero nasa mood ako magtagalog ngayon. As it is, ang mga nagbabasa lang naman neto eh mga marunong magtagalog, so what's the point ng pagpapakahirap magtranslate ng mga saloobin ko sa Ingles? Hahaha! Papasa na ako ng Fil!
Well, anyway, ang title. Wala lang. Kasi may joke na tinaya raw ni Gloria ang buong budget ng Pinas kay Pacquiao, eh nanalo, kaya meron nang pambayad ng utang ang ating bansa!
Kung hindi nila bulsahin, diba.
Anyway, last week was hell week. But Last Friday was also the best day of my life. Ok, one of the best days. Wag mo nang itanong sa akin. Di ko rin naman sasabihin. Hahaha Eraserheads ba?
May nagbebenta ng aso, half labrador half spitz, babies ng doggy niya. 500 lang each. They're adorable! Bibili kami ng kuya ko, para may kasama si Dinggers The Pig Dog namin. Kaso takot nga kami eh, baka kasi kainin ni Dinggers yun puppies! Naisip nga namin ng kuya ko na ilabas yung rabbits sa cage, tapos testingin kung kakainin ba ni Ding yun rabbits. Wag. Sayang eh mahal yung rabbits! Onga pala, malaki na sila ngayon! They're twice their size na since I last posted about them here!
Onga pala, did I tell you that we now have a pair of parakeets? Ok, mahabang istorya. Kasi pumunta kami ng Megamall ng kuya ko para sa research ko. Eh napadaan kami sa pet shop. Nung tumitingin ako ng mga rabbit at hamster, nakita ko yung isang cage labeled MINI KANGAROO. Eh di super excited ako! 900 a pair, mura for a kangaroo! kaso wala kaming dalang pera nun, kaya babalikan nalang daw namin. Eh ilang bese na bumalik yung kuya ko dun kasi may binibili siyang parts ng computer or something. Tapos lagi raw niya dinadaanan yun mini kangaroo. Excited na siya sobra nung bumalik kaming dalawa. Ayan, kabulagan ba, sa dinami-daming beses niya bumalik at tiningnan yon, di niya napansin yung spelling. Ang nakalagay pala doon ay
Daga pala yon na mahaba lang yun buntot! Langhiya! Eh sa sobrang depressed niya, gusto nalang niya bumili ng whatever. Yung Husky sana diba, kasi 20,000 yata, kaya wag nalang. Eh turtle o mini lobster sana, kaso no fun, di sila lumalaki eh! Buti kung lumaki yun lobster tapos pwede kainin diba? So ayun. Umakyat nalang kami sa isa pang pet shop at bumili ng ibon. Pampabawas sama ng loob. Cute naman sila eh.
Sige, inaantok na ako.
No comments:
Post a Comment