Happy Halloween!!!

Tuesday, August 01, 2006

August Na

Wala lang, sinasabi ko lang na August na.

Haha! Nagbababoy kami ng kuya ko ngayon. Extended birthday celebration kung baga. Kasi 5 days lang ang agwat ng birthdays namin, kaya parang Pasko at New Year, nag-uumpisa sa birthday ko ang celebration at natatapos sa kanya (minsan naeextend pa...). Kaya ayan, I feel like I gained 10 lbs. over the past week. Ang sakit nga ng tiyan ko ngayon eh, di yata ako natunawan...

Good news. Sa wakas, natapos ko na isulat ang chapter 17 ko. Hay salamat! Isang linggo ko na 'yon pinagpupuyatan. Ngayon nakatunganga naman ako sa blank page ng chapter 18. Hay naku. Sana lumabas na ang lahat para matapos na. Sa tingin ko 2 o 3 chapters nalang ok na yan eh... Nabigay ko na kay Kutitay ang chapters 1-15, di pa daw niya inuumpisahan. Sana matino, hindi boring. Haha!

Hay, nararamdaman ko pa yung cake na kinain ko, lumulutang lutang pa sa tiyan ko...

Hala sige, kelangan ko na mag-aral para sa long test sa Fil bukas! Kakatapos ko lang magawa yung AD&PR requirements, print ad and storyboard... Well, di ko pa nadrawing, rough sketches lang and storyline... Naku sa Thurs na yan nakakatamad! Inaantok na ako!

No comments: