Nagsisipag
Minsan lang ito grabe. Nagising ako mga 10:15 kaninang umaga. Tinapos ko basahin yung chapter 21 ng history. Tapos nun inayos ko yung notes ko. Hanggang ngayon nag-aayos pa rin ako grabe akala ko mga 6pm tapos na ako. Inunderestimate ko ang kabagalan ko magsulat. Pero I'm happy. Ang ganda ganda na tingnan ng notes ko pwede nang pang archives!
Marami kasing distractions ang weekend. Una, anjan ang Disney Channel. Yey, Sky Cable Gold na kami. Sa wakas, meron na kaming Disney, Hallmark, Animal Planet, Discovery Channel at Cinemax. Yun lang nga gusto ko yung Chinese na Star Movies, pero sa premium lang yata yon. Ayoko na kulitin si papa, over na sa paghingi 'yon. Masaya na ako dito. Napanoos ko ang pop-up version ng HSM. Haha. Na-miss ko ang Mr. Bean grabe. Masaya talaga ang Disney.
Anjan din ang WWE. Si papa kasi pasimuno kaninang umaga habang nagbabasa ako nakikinuod. Nasusuka na kasi si mama sa wrestling haha. Pero natiis kong di makinuod non. Well, mejo pasilip-silip lang. Hehe. Kaninang 8pm talagang nanuod ako. Habang kumakain.
Sa pagsisipag ko, di ko panga napapanuod ang latest episodes ng Smallville, Supernatural, Prison Break at Ugly Betty eh. Tinitiis ko. Grabe. Kasi ang dami pang kelangan tapusin. I'd be so freakin' happy when this week ends. Matutulog ako buong next weekend. My gosh.
Anyway, kelangan ko na bumalik sa pagsisipag. Baka me-expire na eh. Kelangan ko 'to buong linggo huhuhu. Nakamamatay.
No comments:
Post a Comment