Happy Halloween!!!

Friday, February 09, 2007

Tra-la-la-la-la!

Wala lang, masaya ako ngayon. Hee hee hee! Sa wakas tapos na rin ang hell week! Sa wakas! Thank you LORD! Although prospective hell week then next week (including wed), pero basta. Masaya ako. Wag nang kumontra.

Celadon Week na next week hay! Sa wakas andito na rin. Pero prospective tambak trabaho rin 'yon. Tulong tulong lang ganun. My gosh. Pero okay lang. Feeling masipag ako ngayon. Papasok nga ako hanggang Sunday para lang tumulong sa pagset-up ng mga tents. Parang kahit anong itapon mo sakin ngayon sige lang! Kaya ko 'yan! Haha!

Okay, kulang lang ako talaga sa tulog at kabangagan lang ang lahat ng ito.

Pero talaga feeling masipag ako ngayon. Ang feeling feeling ko talaga noh? Leche.

May kasama nanga akong mag-iitim sa Wednesday eh. Yahoo. Kung pwede nga all-black ako eh. Maghahanap pa ako ng itim na pantalon na kasya saken. Wala na yata huhuhu. Pero still. Balak ko nga gumawa ng t-shirt na I HATE VALENTINES eh. Gagawin ko 'yon. Pag may panahon ako. At kung sipagin ako, kasi nararamdaman ko nang nagfflush down na ang kasipagan ko... In a span of five minutes o diba...

Sige, kakain na ako! Woohoo! Kababuyan!

Hasta luego!

No comments: