Raining! Raining!
Kagagaling ko lang sa school. Lech. Com Res lang pasok ko ngayon. Nakakatamad pa pumasok kasi ulan nang ulan. Hindi naman sobrang lakas at pahinto-hinto rin pero hindi matatakasan ang baha. Kung taga Pinas ka malamang alam mo yun. Kahit ambon, baha na.
So paggising ko kaninang umaga at nakita kong mga YM status message ng mga DLSU people ay variety ng "walang pasok!", ang saya ko na! Ilang beses na rin pumasok ang kuya ko dito sa kwarto, nagtatanong kung wala ba kaming pasok. Eh each time na tanungin niya yun, tinitingnan ko cellphone ko. Wala talagang nagtetext. May pasok.
Ayun. Pagdating ko sa school, nag mud bath nanaman itong paa ko. Tapos dumating na mga kablock ko nagerereklamo na basa na raw mga mediyas nila. Squish squish na ang tunog pag maglakad sila. Si Diwa nagpiga pa ng mediyas sa CR. Tapos may babaeng lumabas, sabi nagdeclare na daw ng suspension of classes ang MalacaƱang. At iyon ang masusunod above all other announcements. Aysus! Eh wala namang sinabi ang school! Tapos lumabas ang prof namin. Sabi oo nga, dapat suspended na ang klase. Pero since andun na raw naman kami, ituloy nalang. Alanghiya! Eh meron pa namang graded recitation at hindi ko pa nababasa ang pinapabasa! Buti nalang hindi ako natawag kundi tinungangaan ko lang siya.
Oh well. At least nasa bahay na ako ngayon at masaya kasi malamig yey! Pwede akong magsuot ng long sleeves bukas, kung ganito pa ang weather. Sana naman. Ang lamig lang ang silver lining sa araw na ito.
No comments:
Post a Comment