Last Sembreak Ko Na 'To
Wala lang, naisip ko lang na ito na ang kahuli-hulihang sembreak ko as a college student. Shet. Ang dami nang lasts. Siyempre marami ring magiging firsts pagkatapos nito, pero sorry, pesimista ako today. Hehe.
Napuna ko lang na grabe, hindi talaga ako gaanong nagblog ngayong 2008. 37 posts lang for the whole year?! It's already October! Hahaha. Kahit isama pa yun posts ko sa LJ ko, mga 50 posts lang in all. Ah, crap. I have to make up for that this break.
Sa Halloween Blog-a-thon ko nalang babawiin. :)
Anyway, ewan ko, pero ang weird ng feeling ng walang ginagawa. Haha. Sanayan lang ito. Malamang pagdating ng November mawiwirduhan ako sa feeling na kelangan na ulit bumangon at mag-aral. Shet. Last sem ko na 'yon. Bakit ganon?!
Last weekend nandun kami sa bahay ni Joyce nag-overnight at movie marathon. Well, actually, nag-Supernatural-marathon nung una hehe tapos naging movies na. We're trying to infect more people with the Supernatural virus. Swear. Watch it. It's good. So ayun.
Di ko na masyadong maalala anong movies pinanood namin. Hmm. Wait. Ah, P.S. I Love You, Teeth, Gravedancers, Mean Girls, and Kung Fu Panda. Meron pa yatang isa pa, pero hindi ko maalala. Pero yan na yun. Hehe. Fangirl ako ni Gerald Butler. Hehe.
Nakakatawa talaga nung kainan parts. Mga 3:30 kasi kami dumating sa bahay ni Joyce. Before that, ay nako, I was all over Metro Manila. Haha. Had to submit my final project sa Comm Dept at 10AM, tapos had to rush to my friend's graduation sa PICC (we got there at 12NN, tapos na yun graduation. whek. nagpichuran nalang kami.), then had to rush back to Katipunan (na biglang naging sa Libis nalang pala), have lunch with ADMU friends, then go to Joyce's house na dahil gagamitin pa ni Mama yun kotse na maghahatid sa amin doon.
So ayun. The dinner part. Wala lang, nakakatawa lang kasi we couldn't sustain a topic for more than 15 minutes. Una, galit-galit muna sa kainan. parang hindi pa nabusog sa sandamukal na chips na kinain while marathon-ing. May magbibigay ng topic, pag-uusapan konti, tapos tapos na. Haha. Hindi ba ang sabi nila kapag tumatahimik ang isang usapan may anghel daw na dumadaan? Well if that were the case, eh di pinagtitripan kami ng mga anghel nung gabing yon. Hahaha. Kung ano-ano nang topics ang napag-usapan, to the point na nalaman namin anong klaseng underwear ang sinusuot ng dalawa naming kasamang boys (boxers, btw). Kinda too much info ba? Hehe. At least you don't have to deal with the mental images I had. Eugh.
Pictures of this night can be found on my Multiply site. Kung friend kita. Hehe.
Ang cute cute ng puppy ni Joyce. Well, di na yata siya puppy, pero mukha pa rin siyang baby. Eeeee. Cute. Tisha ang name niya; she's a Shih Tzu (tama ba spelling?). Ang likot niya grabeh! As in kung naglalakad ka hinahabol niya yung feet mo tapos nung nakaupo na kami lahat sumisiksik siya sa amin. Tapos nagbebeg siya nung kumakain kami ng chips. Tapos ang bango bango niya kasi sosyal siya, Vaseline ang shampoo! Haha. Basta. She's so cute. I miss her already. Kahit nagwiwi siya sa immaculately clean floor ng sala ni Joyce, cute pa rin siya.
I ended up sleeping on the air cushion thingy. Basta yun kailangan pump-an ng air. Kaso hindi pala nasara mabuti yun isang vent kaya pag gising ko nung umaga, flat na. Haha. Eh mukha pa naman akong bulldozer kasi malikot ako matulog ikot ako nang ikot. Buti nga wala akong katabi kundi nadaganan ko na eh. Haha.
Joyce's Mom: O Tep, hindi ba sumakit ang likod mo? Matigas yun sahig.
Tep: OK lang po, Auntie, malambot naman ako eh. :)
Haha. Classic Tep kabangagan. And get this, since balak namin talaga mag-inuman and I forgot to bring the Jell-O shots, may wine na hinanda para sa amin si Auntie at Uncle. Naks. I love them already. At sosyal talaga. Wine. Kaso lang nga hindi kami nakainom noong gabi kasi... ewan ko nga ba bakit. Basta. So nung breakfast nalang kami uminom, nag-cheers and stuff. Hahaha.
As usual, after happy days like this one, sad na pag uwian. Ewan ko. I don't wanna be freaking emo right now kasi I promised myself that I'm gonna use this sembreak to fix myself and be happy. Let's just say I had an emo moment nung pauwi. Yun na yun. Hehe.
So ngayon, bum. Bum bum bum. Nakakatamad nga maging bum eh. Gusto ko nalang lumabas lagi at manood ng movie. Yung problema eh sembreak = no allowance. Yun mga may utang sa akin di pa nagbabayad. Tapos may utang pa ako sa iba. Argh. Ano nang ipangmomovies ko?!
Tapos ang bagal pa madownload ng mga bagay bagay. :(
No comments:
Post a Comment