Happy Halloween!!!

Monday, February 09, 2009

BWISET!!!

Lintek naman kasi may nagcoconcert sa park sa tapat ng bahay namin! Nakakaasar talaga! Bakit ba hindi nalang sa barangay hall sila doon sa tapat ng Agora mall? At least doon commercial area eh ampucha naman residential area dito eh! Ang hirap hirap nanga intindihin ni Kant dagdagan ba naman ng dumadagundong na mga bass! Kailangan kong ulit-ulitin para lang makatagos sa utak ko yun mga sentence dahil sa ingay! Tapos eto pa si Kant eh ang haba haba ng mga sentences eh lintek kaya namang sabihin si iisa o dadalawang sentence ang ibig-sabihin. Pahirapan pa talaga eh! Hindi nanaman ako makakatulog, tapos kelangan ko pa gawan ng 1-page paper ito na kailangan kong paghusayan dahil C+ lang ako sa orals. Ano ba yan! Bakit ba! Tapos bukas I have about 5 things to do! Wala pa akong nachecheck sa list ko! Lintek naman ang ingay! Hindi ko naman mareklamo yan sa barangay diba eh kasi PARA SA MGA BARANGAY OFFICIALS ANG PARTY!!! Nakakabuwiset talaga! Dati ok naman dito tahimik naman ayan ginawang party place ang park!

Pero in fairness yun mga singers, ewan ko sinong bands pero basta anjan si Jimmy Bondoc, kuhang kuha yun mga kinocover nila na foreign songs. With You ngayon ni Chris Brown ang kinakanta. OK naman.

Speaking of Chris Brown, nabalitaan niyo na ba ang kaso niya? OMG talaga. WTH. Bakit niya nagawa yon, kung ginawa ba niya talaga iyon.

So ayun lang. Pipilitin ko nang makarating sa page 5. Grabe. 34 pages man, tapos ang font niya ay parang TNR 8. Lintek talaga. I will invest in soundproofing materials na rin.

No comments: