Minsan, mahirap pag napapaisip
Nung isang linggo lang excited na ako maggraduate. Apat na taon ko ring hinintay ang pagkakataong iyon. Well, actually, more like 19 years. Isipin mo naman, mag-3 palang ako nagumpisa na akong mag-aral. Almost 22 na ako ngayon. Ang ibang bata mga 14-16 years lang ang aral. Ako 19. Sino ba naman ang hindi magsasawa. Hehe.
So ayun nga, nung isang linggo, nung isang buwan, basta nung patapos na ang klase, hindi ako makapaghintay magtapos. May halo ring kaba ang paghihintay siyempre alam kong magbabago na ang lahat pero mas sumaibabaw ang excitement. Feeling ko para bang kayang kaya ko ang lahat. Sinasabihan nga ako ng mga kaibigan ko na ang dami dami ko raw pangarap. Well, totoo naman. Nakakatawang mga pangarap nga eh. Parang hindi seryoso pero seryoso akong gusto ko ang mga iyon. Kasi kung ganun ang maging trabaho ko, eh di matutupad ang iba ko pang mga pangarap (like meet WWE superstars in person and up close). Hit two birds with one stone diba? At sino ba ang ayaw maging masaya sa trabaho nila? Isipin mo ba naman, more or less iyan na ang gagawin mo habangbuhay. Para kang ikinasal. Unless you take a sabbatical, which is sort of a "cool off" period. Or quitting to change careers, parang legal separation. When you get fired, parang divorce dahil may separation pay which is kinda like alimony.
Ano na bang sinasabi ko?
Ah. Ayun. Ang fresh grad high. Nagtapos sa pinakamagandang unibersidad sa bansa (no offense to people who have different loyalties). Para bang lahat ng maisip mo malamang makakaya mo, matatanggap ka sa kahit anong trabaho. Pangalan palang ng pinaggraduatan mo ok na. Di naman bagsakin. Above average naman ang grades, may konting extracurriculars, konting work experience at inattendan na seminars here and there. Parang OK na noh? Ang ganda na ng feeling ko kelan lang. Never ako naging 100% confident sa sarili ko. Yung feeling of confidence na naramdaman ko nun, it was around 97% which is a lot for me. Parang madali lang lahat. I didn't feel panicky even though I know that I graduated at the unfortunate time of economic crisis. Ewan. Parang madali lang kasi eh. Parang kaya ko gawin kahit ano.
Tapos nung isang araw, as usual naglalaro ako ng ___ Wars (punan nalang ang patlang ng Vampire, Mafia, o Mob), napuntahan ko ang home page ko. Napansin ko na may ilang taong nag-add sa akin. Eh di add rin. Then I noticed na yung isa sa kanila ay naggraduate sa MIT! Ampucha! Angas eh. On the one hand I'm proud na merong Judenite na nakapagtapos doon. Grabe, as in hindi basta basta yun. On the other hand, parang lahat ng naramdaman kong confidence sa pinagtapusan ko ay naglaho. Para bang ang liit liit ko. Hindi naman kasi internationally recognized ang Ateneo. Siguro sa iilang mga bansa lang but not really where it matters (to me, at least). I love my school so much pero parang nasampal ako sa katotohanan na kahit gaano kaganda at kagaling ito, nasa Pilipinas pa rin lang ito, at ang prestige at honor ng pagtatapos dito ay marerecognize sa Pilipinas lang at hindi na sa ibang bansa. Siguro iisipin ng ilang mambabasa kung bakit ko inaalala ang iisipin ng ibang bansa. Bakit, magtatrabaho ba ako abroad? Malay mo, malay ko rin. I don't want to confine myself in only looking for a job in this country, pero ang gusto ko talaga magumpisa dito. Pero kung iisipin mo, sa paghahanap ng trabaho, sino ba ang mas papaboran lalo na ng mga tao ditong hinding hindi na mawawalan ng colonial mentality (and this whole rant stems from the same thing: I too have colonial mentality. hindi ko alam ang pamamaraan ng pagtuturo at pagaaral sa mga Ivy League schools but there's a reason why they're that sought after and why they top the world's universities list)? Yung nagtapos sa prestigious school only recognized here or someone who graduated from a prestigious school recognized everywhere?
Ewan ko ba kung bakit ako nabibitter at nagpapalulong sa self-pity/loathing. Isa sa pilosopiya ko kasi sa buhay ay hindi naman sa grades mababase ang buong buhay mo. Nasa diskarte lang iyan. Alam kong it sounds like an excuse ng mga tamad, pero proven na iyan. Hindi lahat ng great people nagtapos sa magagandang paaralan o nagtapos ng may honors or nagtapos at all. Sipag at tiyaga at determinasyon at diskarte lang. Siyempre with God's help diba. Pero parang ngayon, alam kong I did things right naman. Not perfect but good enough. Excellently mediocre nga daw. I mean, I know technically I'm good enough. Pero parang wala. Nung kelan ang inaalala ko eh kung saan ako maguumpisa sa dami kong gustong gawin. Ngayon ang umuulit ulit lang sa utak ko ay pag-uwi kong galing Taiwan, wala na akong pera. Wala akong trabaho. At the same time ayoko munang magtrabaho dahil I don't want to fall into something long term again. I don't wanna be stuck in anything again. Gusto ko pang magrelax ng ilang buwan, kahit buong summer lang. But I can't keep asking money from my parents and this little business thingy we're planning isn't going anywhere anytime soon. Saan ako kukuha ng panggastos? Yan ang problema.
Hay.
Pero kung tatanungin ako basta gusto ko pumasok sa PR ng hotel, specifically sa Crowne Plaza dahil doon nagsstay ang halos lahat ng dumayo ditong celebs. Shems noh. I'll get to entertain them. I will love my work forever.
Ewan. Nakakatamad isipin. I'm going back to playing. I don't wanna grow up just yet. Sa June na.
No comments:
Post a Comment