Eto kami kahapon. Thanks to Mysh for uploading the photo! Marami pang wala jan eh, di ko alam saan nagsipunta, lalu na yung mga softball boys! Hahaha hay talaga forever nato... Mejo nalulungkot me now, kasi bukas back to the new school na, di ko nanaman kayo makakasama... Hay. This is depressing! Naiisip ko ngayon, dapat nagsusulat na ako ng siaokai! Miss ko na yung mabahong obak! Tapos mamaya magpupuyat me kasi maraming susulatin... Tapos Monday nanaman, traffic nanaman! Tatakbuhin ko nanaman paakyat ng 6th floor. Tapos nakapila dapat kami sa 5th floor... Anu nga ba first subject natin? Physics? Wah! hehehe pero miss ko na yun ha. Hay eto nanaman reminiscing...
Naalala ko yun CAT duty, 6:30 kelangan nasa school na! Tapos pagnatatapat sa Chinese test yung duty, may daladala akong xerox ng notes, tapos nag-aaral me ng patago hehehe. Yun lang nga kamalasan pag sa pedes ako ilagay! Katakot yun eh, parang masasagasaan ako ng bus! Pamatay pa yun usok magkaka-lung cancer me nyan eh! Hay pero miss ko na yun... Pero wouldn't want to do ROTC... Tapos pagpapasok ako, half asleep pa ako! Hahaha tapos every time pagdating ko sa classroom, hingal na hingal ako. Sinong di mahihingal, eh 6th floor yon! Tapos natatawa sila Kartier sakin kasi nung itinapon ako ni Ms. Emnace sa pinakaharap, kung natutulog ako, isinusuot ko sa loob ng locker yun ulo ko. Hehehe, di kasi ako makatago eh! Sa likod madali matulog, lalu na nung nasa harap ko si Jep! Sabay kami matulog hehehe! Minsan hindi ko na siya napapansin na umuupo sa harap ko, kasi kung hindi siya late, tulog ako, hahaha ang weird noh? Tapos yung ipis namin sa locker na si Arnold...
Naalala ko nung retreat, kasama ko si Sarah, Johann, Jeremy (tama ba?), Erold, Raymond, and may isa pa... Basta 'yon! Haha tapos eh yung diad part yon, nagsamasama nalang kami. Tapos naalala niyo ba yung pathway sa right side? Yun naglelead sa yung may mga cross? Pumasok kami dun... Eh almost 6pm na yon, wala pa kaming dalang flashlight... Si Johann yung nasa pinakaharap nung tapos magkakapit-kapit kami nun hahaha kasi parang gubat na yung paligid eh nakakakilabot na sunset na kasi! Tapos biglang huminto si Johann, sabi niya, "Uy may fog... Ibig sabihin niyan... MAY MULTO!!!!!" As in sigawan kami takbo pabalik! Hahahaha! Sobrang freaky talaga yon noh! Tapos may isang part, diad ulit, si Joseph yata kasama ko? Maliwanag pa nun, tapos nandun kami sa may cross, natagpuan namin sila Mark Lim and iba pang mga tao. Ayun, naglakad-lakad kami. Nung gabi, bigla ba naman may nagkwento na kaya pala ayaw ni Mark sumama sa amin maglakad doon kasi may nakikita na siyang white lady sa may mga cross! Shet! Eh nandun kami naglalakad!!!!!!! Tapos nagbalak pa kami mag ghost hunting nun, diba merong librang merienda nung gabi? Last night ba natin yon? Basta yon! Kaso yun lang nga eh may bantay kaya di nagawa... Di panga kami nagigising ni Sarah para mag yoga nun eh! Nung second day, kala ko nananaginip lang ako na may kumakatok, ayun pala ginigising na kami! hahaha! Di na yata kami nagbrreakfast nun eh sa sobrang late magising!
Hay, ang sarap ulitin... Si Mysh nagsuggest kay Mrs. Ramos na magretreat ulit yung batch natin... I think it's a good idea. Yun lang nga magulo yung mga sched natin di magkatugma, pero siguro Christmas vacation? Sana naman... Sana magkasamasama ulit tayong lahat. Naalala ko pa yun sobrang hectic na pagsusulat ng reco letters! Grabe kahit class hours reco letter yun sinusulat ko hanggang sa mga program sa auditorium! Hehehe gusto ko pala pasalamatan ulit yung mga sumulat sa akin ng reco letter! And sorry sobra dun sa mga di ko nasulatan ha... Di ko na kasi maalala sa dami ng sinusulatan ko... Hehehe.
O sige yan lang muna... Grabe ba itong phase nato? Puro SJ yung title ng posts ko? hehehe! hay, more to come yan! Hangga't di ako makaadjust, hangga't di pa ako comfy... Naku, puro SJ yung magiging title neto... At puro reminiscing ang dating... Hehehe! Magkaroon kaya tayo ng 1 year reunion? Hehe la lang! =)
Happy Fathers' Day nga pala sa lahat ng dads out there!